Wala pa ring nananalo sa Grand Lotto 6/58 na umabot na sa mahigit P319 milyon ang premyo sa ginawang draw nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 2, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na "zero" winner sa nasabing draw.

Ang mga lumabas na numero ay 31-11-33-06-01-10 at mayroon itong kabuuang premyo na P319,977,404.00.

Sa Linggo ang susunod nitong bola o draw.

Huling tinamaan ng isang mananaya ang Ultra Lotto 6/58 noong Agosto 5, na umabot ang premyo sa P163,365,304.40.

Samantala, wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na umabot naman sa P51,930,751.00 ang premyo.

Ang lumabas nitong mga numero ay 33-43-14-40-31-07.--FRJ, GMA Integrated News