Masaya at mainit ang naging pagtanggap ng "Eat Bulaga" hosts sa bago nilang dabarkads na si Beauty Gonzalez.

Si Beauty, hindi rin itinago ang labis na kasiyahan nang i-welcome siya ng mga co-host na kinabibilangan nina Jose Manalo, Alan K, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteres, Ryzza Mae Dizon, at ang mga bago ring dabarkads na sina Maja Salvador at Miles Ocampo.

'Masaya ako na nandito ako ngayon," sabi ni Beauty.

Si Miles, may pa-welcome na knock-knock joke pa na inaabangan daw lagi ni Beauty.

Alamin kung waley o havey ang knock-knock joke ni Miles na, "isang Beauty, dalawang Gonzales!" Panoorin ang video. --FRJ, GMA News