Nasa malubhang kalagayan si dating Japanese prime minister Shinzo Abe matapos siyang barilin habang nagtatalumpati sa isang campaign event sa Nara ngayong Biyernes.

Ayon sa kasalukuyang Punong Ministro ng Japan na si Fumio Kishida, "in a very grave condition" si Abe.

"I pray that former prime minister Abe will survive," sabi Kishida. "It is a barbaric act during election campaigning, which is the foundation of democracy, and it is absolutely unforgivable. I condemn this act in the strongest terms."

Sinabi ni Chief Cabinet secretary Hirokazu Matsuno, na nangyari ang pamamaril dakong 11:30 a.m. habang nagtatalumpati si Abe, 67-anyos.

Bumagsak si Abe madinig ang putok ng baril at may umagos na dugo mula sa kaniyang leeg.
.
Isang lalaki na tinatayang 40-anyos, na pinaniniwalaang bumaril kay Abe ang dinakip.

Ilang media outlet ang nag-ulat na hinihinalang nanggaling sa likuran ang bunaril kay Abe.

Si ang Abe ang pinakamatagal na nagsilbing prime minister ng Japan mula 2006 o isang taon, at muli noong 2012 hanggang 2020.— Agence France-Presse/FRJ, GMA News