Idineklara ng Guinness World Records na isang 113-taong-gulang na Venezuelan ang bagong may hawak ng titulong pinakamatandang lalaki na nabubuhay sa mundo.
Ipinagdiwang ni Juan Vicente Perez Mora, ang kaniyang ika-113 taong kaarawan nitong Mayo 27.
Sa post ng Guinness sa Twitter, sinabi nito na taong 1909 ipinanganak si Mora sa El Cobre, Venezuela. Dati siyang manggagawa sa sakahan at naging sheriff.
Ngayon ay mayroon na siyang 18 apo, 41 na great-grandchildren at 12 great-great-grandchildren.
New record: Oldest male living - Juan Vicente Mora, 112 years and 253 days old.
— Guinness World Records (@GWR) May 17, 2022
Born on May 27th 1909 in El Cobre, Venezuela, Juan spent time working on farms and as a sheriff. He now relaxes with his 18 grandchildren, 41 great-grandchildren and 12 great-great-grandchildren. pic.twitter.com/MrdJ5KPpaD
Payo niya para humaba ang buhay, "Don't drink too much alcohol."
Sa ulat naman ng Reuters, maliban sa bahagyang mataas na blood pressure at problema sa pandinig dahil sa edad niya, maayos naman daw ang kalusugan ni Mora, ayon kay Enrique Guzman, duktor sa San Jose de Bolivar sa Venezuela.
"He seems totally fine to me," ani Guzman.
Ang titulong world's oldest man living ay dating hawak ni Saturnino de la Fuente García na mula sa Spain.
Pero pumanaw si Garcia nitong nakaraang Enero sa edad na 112 taong-gulang at 341 araw.
Samantala, ang kinikilalang "world's oldest living person," ay si Lucile Randon, na 118-anyos, na mula sa France. --FRJ, GMA News