Makikipagbangasan muli sa ibabaw ng ring ang dating five-division world champion na si Floyd Mayweather Jr. para sa isa pang eight-round exhibition fight.
Makakaharap naman ni Floyd sa pagkakataong ito si “Dangerous” Don Moore (18-0 record 12 KOs) sa May 14, at gaganapin sa Burj Al Arab Hotel helipad.
Unang bumalik mula sa pagreretiro si Floyd noong 2017 nang labanan niya sa exhibition fight ang MMA superstar na si Conor McGregor.
Noong nakaraang taon, lumaban muli si Floyd sa exhibition fight kontra sa Youtuber na si Logan Paul.
Nanalo si Floyd sa naturang dalawang laban, at napanatiling malinis ang kaniyang 50-0 record with 27 knockouts.
“I am always trying to push the envelope and if something is brought to my attention that has a unique aspect to it, I am always interested," ani Flyod.
“Having a fight on the helipad of the Burj Al Arab Hotel in Dubai and the opportunity to be the star of the show is going to be something I will remember always. People all over the world can buy the PPV and watch us fight high above, almost in the sky,” dagdag pa niya.
Sasabak din at mapapanood bilang undercard ang retired mixed martial artist at dating UFC middleweight world champion na si Anderson Silva kontra kay Bruno Machado. —FRJ, GMA News