Matapos ang pagsampal sa presenter na si Chris Rock, itinanghal na Best Actor ng Oscar si Will Smith, para sa kaniyang pagganap bilang si Richard Williams sa pelikulang "King Richard."
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 20 taon na nanalo si Will ng naturang prestihiyosong parangal sa 94th Academy Awards.
Pero bago nito, sinampal ni Will sa stage ang presenter na si Chris dahil sa pagbibiro sa kaniyang asawa na si Jada, dahil sa pagiging kalbo nito bunga ng kondisyon na alopecia.
Bagaman hindi binanggit ni Will ang naturang insidente sa kaniyang speech nang tanggapin ang parangal, humingi siya ng paumanhin sa Academy at ipinaliwanag ang karakter ni Richard Williams na isang "fierce defender of his family."
"I want to apologize to the Academy. I want to apologize to all my fellow nominees. This is a beautiful moment, and I'm not crying for winning an award. It's not about winning an award for me. It's about being able to shine a light on all of the people," umiiyak na pahayag ng aktor.
"Tim and Trevor and Zack, and Saniyya and Demi, and Aunjanue, and the entire cast and crew of King Richard, and Venus and Serena, the entire Williams family. Art imitates life. I look like the crazy father, just like they said about Richard Williams," patuloy niya.
"Thank you for this honor. Thank you for this moment... and thank you and hoping The Academy invites me back. Thank you," natatawang pagtatapos ni Will.
— FRJ, GMA News