Laking gulat ng mga trabahador sa isang bahay na nire-renovate sa Batangas City nang makita nila ang isang dambuhalang sawa.
Sa ulat ni Ilona Manalo sa GMA Regional TV "Balitang Southern Tagalog" nitong Miyerkoles, sinabing umabot sa 15 talampakan ang haba ng sawa.
Makikita sa video at mga larawan kung gaano kalaki ang ahas habang hinahatak ito mula sa kisame sa isang bahay sa Barangay Diyes noong Lunes.
Ayon sa isang residente, nakita na ang naturang sawa noong Oktubre 2021 pero nakawala ito.
Ngayon daw mapapanatag na sila matapos mahuli ang sawa dahil mayroon din mga bata na naglalaro malapit sa lugar kung saan nahuli ang ahas.
Ayon sa punong barangay, nasa pangangalaga na ng city environment office ang sawa.
—FRJ, GMA News