Bumabaliktad ang mundo ng mga taong bumibisita sa isang bahay sa Guatavita, Colombia na tinawag na Casa Loca dahil sa baliktad ang pagkakatayo nito--pati ang mga kagamitan sa loob.
Sa ulat ng Reuters, sinabing ang agaw-pansin na bahay ay pag-aari at disenyo ng Austrian na si Fritz Schall, na nakatira sa Colombia kasama ang kaniyang pamilya.
Kahit papaano, nababawasan daw ang alalahanin ng mga taong pumapasok sa baliktad na bahay sa harap na rin ng mga lockdown at iba pang restrictions dahil sa pandemic.
Naisipan daw ni Schall na gawin ang bahay nang may makitang katulad nito sa Austria.
"Everyone looked at me like I was mad, they didn't believe what I was saying. I said, 'I'm going to make an upside-down house,"' kuwento niya.
"They told me, 'OK, sir, sure, go for it.' That happened when asking for the furniture, the interiors, the bathtub. Looking at the reactions of other people became quite interesting," patuloy niya.
An upside down house built in Colombia's Guatavita by Austrian Fritz Schall, is capturing the imagination of visitors looking for fun following restrictions https://t.co/kJRQwXMv0h pic.twitter.com/5lWbwQmKMQ
— Reuters (@Reuters) January 27, 2022
Pagpasok sa bahay, sa halip na sa sahig, sa kisame nakatapak ang mga bisita.
Ayon sa isang bisita na si Miguel Angel Valencia, "It's crazy. Really good, with a great vibe, they asked me to do a scary face. I could not hold my laughter, everything is so nice and new. It fills you with joy to visit these types of places."
--Reuters/FRJ, GMA News