Usong tanong ngayon kung hanggang saan nga ba makakarating ang P20 mo lalo na ngayon na ginawa na itong barya?

Pero sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," tila hindi na lang chitchirya ang kayang maabot ng P20 coin dahil mayroon daw mga tao na handang bilhin ang bawat isa nito sa halagang ng P500 hanggang P1,000.

Ano nga ba ang mayroon sa P20 coin para bilhin sa napakalaking halaga? At ano naman kaya ang masasabi rito ng Bangko Sentral ng Pilipinas? Panoorin ang buong kuwento sa video.

--FRJ, GMA News