Ano nga ba ang ibig ipakahulugan kapag may napanaginipan kang kakilala na pumanaw na, ataol, hinakabol ni kamatayan o kaya ay taong walang mukha?
Sa programang "Unang Hirit," sinabi ng psychiatrist at dream analyst na si Dr. Randy Delloso, na hindi naman lahat ng panaginip ay may kahulugan at dapat hanapan ng interpretasyon.
Paliwanag ni Delloso, mayroon daw kasi na mga panaginip na literal lang na panaginip o replay nang nangyari sa tunay na buhay.
Pero ang mga panaginip na nangyari habang malalim ang tulog o nasa subconscious mind ang puwede umanong hanapan ng interpretasyon.
Mas nagkakaroon din umano ng mga nakakatakot na panaginip ang mga taong mayroong "bagahe" sa buhay o nakararamdam ng stress, at nailalabas nila ito kapag subconscious ang kanilang isipan.
Pero bakit nga ba may mga panaginip na nakakalimutan na pagkagising?
Paliwanag ni Delloso, "Yung ang katangian ng subconscious. Kasi mailap ang subconscious mind, ayaw niyang ipaalam sa conscious mind kung ano ang laman niya. Kapag lumabas bilang dreams, kailangang isulat kaagad otherwise itatago ulit ng subconscious mind."
Hindi naman daw dapat katakutan ang masasamang panaginip dahil may simbulo ang mga ito at interpretasyon sa ating buhay.
Pero ano nga ba ang kahulugan kapag napanaginipan mo ang isang kakilala na pumanaw na? O kaya ay hinahabol ka ni kamatayan at nakakita ng ataol o gagamba? Alamin ang mga paliwanag dito ni Delloso sa video ng "Unang Hirit."
--FRJ, GMA News