Isa sa mga matatamis na kinahihiligan ng mga kabataan ang merengue na binigyan ng bagong bihis kaya patuloy na tinatangkilik. Ano nga ba ang sikreto sa pagpapaglago ng negosyong ito?
Sa "Pera Paraan," makikita ang iba't ibang disenyo ng merengue na ibinibenta ni Irene Cruz, may-ari ng Dolciela Merengue sa Cabuyao, Laguna.
Ayon kay Irene, sinimulan niya ang paggawa ng merengue noong nasa abroad siya pero itinigil niya ito dahil wala pa siyang gaanong ideya.
Pero sa pagbalik niya sa Pilipinas, nakita niyang may mga gumagawa ng character merengue, kaya muli niya itong sinubukan.
"Noong nagawa ko siya, hindi pa siya ganoon ka-perfect. Hanggang sa na-practice ko nang na-practice, everyday gumagawa ako," sabi ni Irene.
Sinimulan ni Irene ang kaniyang Merengue business sa puhunang P5,000, na kumikita na ngayon ng hanggang P20,000 pesos kada buwan.
Tunghayan sa Pera Paraan ang paggawa ng makukulay na merengue.
--FRJ, GMA News