Marami ang na-e-engganyong maging influencers o vlogger ngayong pandemic dahil bukod sa sarili mo ang oras, magagawa mo pa ang gusto mo, posible pang kumita. Pero marami ngayon ang nangangamba dahil sa utos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na dapat din silang magbayad ng buwis.
Sa Kapuso Sa Batas, ipinaliwanag ni Atty. Gaby Concepcion ang nakasaad sa batas ukol sa pagbabayad ng buwis. Kasama nga ba rito ang mga social media influencers o vlogger?
Panoorin ang pagtalakay sa video ng "Unang Hirit" upang malaman kung sino sa mga social media influencers o vlogger ang pasok sa kautusan ng BIR na dapat mabayad ng buwis.
--FRJ, GMA News