Bukod sa Pinoy singer na si Jose Mari Chan, isa na namang "Chan," ang pinakabagong endorser ng Shopee--si Jackie Chan.

Maraming Pinoy ang naaliw sa naturang commercial dahil nagsalita ng Filipino ang sikat na martial artist.

“Bili na sa Shopee. Salamat, Shopee,” sambit ni Jackie sa huling bahagi ng commercial.

 

 

Sa 30-second video na inilabas ng Shopee Philippines, unang ipinamalas ng aktor ng kaniyang fighting at dancing skills sa commercial habang pinapatugtog ang theme song ng Shopee.

Naging trending topic din ang Jackie Chan sa Philippine Twitter.

Ayon sa Facebook post, bukod sa Pilipinas, mapapanood din si Jackie sa Shopee’s 9.9 Shopping Day campaign sa Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia, at Brazil. – FRJ, GMA News