Ikinatuwa ni Bea Alonzo na tanggap at masaya para sa kaniya ang kaniyang ina sa relasyon nila ni Dominic Roque.

"I'm happy kasi nga 'yung nanay ko, never kasi 'yan nakialam sa relasyon ko. With this one, ang cute kasi para kaming best friends na kinikilig," sabi ni Bea sa Kapuso Showbiz News.

Kuwento ni Bea, ang kaniyang ina ang laging nagbibigay sa kaniya ng update tungkol sa reaksyon ng mga tao sa tuwing may malalaking pangyayari sa buhay niya.

"Mahilig kasi si mama magbasa ng comments so siya para siyang nag-u-update sa akin kung ano ang sinasabi ng mga tao," anang aktres.

Natutuwa raw si Bea na suportado siya ng kaniyang ina sa relasyon niya kay Dominic.

"She's happy. Alam mo si mama, kahit man anong desisyon ko sa buhay ko, as long as I'm happy and that person is good for me, wala kang maririnig kay mama," sabi ni Bea.

"At the end of the day she always wants what's best for me," dagdag pa niya.

Kamakailan lang nang kumpirmahin ni Bea  ang relasyon nila ni Dominic.--FRJ, GMA News