Inihayag ni Bea Alonzo na bago pa man maging sila ni Dominic Roque, naging matagal muna silang magkaibigan kung saan nadiskubre niya ang pagiging mabuting tao ng binata.
Sa Kapuso Showbiz News, inilahad ni Bea ang mga katangian na nagustuhan niya kay Dominique.
"He's honest. Kasi matagal na kaming magkaibigan before it turned into something romantic. Matagal na kami, as in years, years ago pa magkaibigan na talaga kami ni Dom," anang Kapuso actress.
"Alam ko na talagang mabuting tao siya and kahit nga ngayon, we're romantically involved, we're together," patuloy niya.
Sabi pa ni Bea, "I appreciate na never siya nag-best foot forward. He's just really honest, which I really appreciate very much."
Bukod dito, hinangaan din ni Bea ang service na love language ni Dominic.
"He really takes care of me. Hindi nga ako sanay eh! Sobrang inaalagaan niya ako. Really his love language is service. Talagang 'pag kumakain kami makikita mo pinagsisilbihan ka. And the things na hindi ko iniisip na kailangan ko biglang o-orderin online para lang mas mapagaan 'yung buhay ko," anang dalaga.
Nagustuhan din ni Bea ang pagiging "very loving" ni Dominic.
"He's very loving, even to his family," sabi ni Bea. "Alam ko na that's the authentic him."
Kinumpirma ni Bea ang kanilang relasyon ni Dominic kamakailan lang.--FRJ, GMA News