Umaasa si Maine Mendoza na mabibigyan ng pagkakataon ang kaniyang nobyo na si Arjo Atayde na maipaliwanag ang sarili kaugnay sa insidenteng nangyari sa Baguio City, kung saan nagpositibo sa COVID-19 ang aktor.
Sa Facebook ng Public Information Office ng Baguio, sinabing hindi umano alam ni Mayor Benjamin Magalong na lumuwas ng Maynila ang aktor nang hindi nagpaalam sa lokal na pamahalaan.
Pinaiimbestigahan din umano ng alkalde ang mga posibleng paglabag sa health protocols ng grupo ni Arjo habang naka-bubble set-up sa ginagawang shooting ng pelikula sa lungsod.
Isang netizen ang nagmensahe kay Maine sa Twitter, patungkol sa naturang insidente tungkol sa nobyo.
Paglilinaw ng “Eat Bulaga” dabarkads, hindi niya kinukonsinti ang nobyo at umaasa siya na maririnig ang paliwanag ng aktor sa nangyari.
“There’s just so much you do not know about the story. And I hope he gets the chance to tell his side and the context of what had happened these past few days,” ayon kay Maine.
“I also hope you do not base your judgments solely on what you see online because you might just be seeing an angle of the real scenario,” dagdag niya.
Sa inilabas na pahayag kamakailan ng Feelmaking Productions Inc., sinabing nakaranas si Arjo ng mataas na lagnat, sakit ng ulo at hirap sa paghinga.
Dahil, napagkasunduan umano ng mga duktor at magulang ni Arjo na dalhin na siya sa ospital sa Maynila.
Idinagdag pa na mayroong pre-existing medical condition si Arjo. — FRJ, GMA News