Hindi na tutuloy sa kaniyang laban sa America's Got Talent ang singer na si Jane Marczewski, na kilala rin bilang si "Nightbirde," dahil sa paglubha umano ng kaniyang kalusugan dulot ng sakit niyang cancer.

Matatandaan na binigyan ni AGT judge Simon Cowell ng "Golden Buzzer" si Jane noong nakaraang Hunyo dahil sa ganda ng boses at awitin nito na "It's Okay."

Naging emosyonal at sandaling natigilan pa si Simon nang sabihin ni Jane na, " “You can't wait until life isn't hard anymore before you decide to be happy,” kaugnay sa kaniyang pinagdadaanan.

Ayon kay Jane sa kaniyang social media post, "Since my audition, my health has taken a turn for the worse and the fight with cancer is demanding all my energy and attention."

"I am so sad to announce that I won’t be able to continue forward on this season of AGT. Life doesn’t always give breaks to those that deserve it—but we knew that already," patuloy niya.

Sa kaniyang pagtatanghal noong Hunyo, sinabi ni Jane na kumalat na ang cancer sa kaniyang lungs, spine, at liver.

Ayon pa kay Jane, two percent lang ang ibinigay sa kaniyang tiyansa na mabuhay. Gayunpaman, masaya pa rin si Jane.

“Two percent is not zero. Two percent is something and I wish people knew how amazing it is,” nakangiti niyang sabi.

Sa kaniya post sa social media, sinabi ni Jane na dream come true ang pagsali niya sa AGT.

"Sharing my heart with the world on AGT has been an honor and a dream come true," saad niya.

"My point of view this summer has been astounding. What a miracle that the pain I’ve walked through can be reworked into beauty that makes people all over the world open their eyes wider," patuloy ni Jane.

Nagpapasalamat siya sa suporta na kaniyang natanggap at naniniwala siyang bubuti ang kaniyang kalagayan.

"I’m planning my future, not my legacy. Pretty beat up, but I’ve still got dreams," ayon kay Jane.

Balikan ang nakaantig niyang pagtatanghal sa AGP na mayroon nang mahigit 30 milyong views.

-- FRJ, GMA News