Agaw-pansin ang tatlong magkakapatid sa Zamboanga del Norte dahil sa asul ang kulay ng kanilang mga mata kahit hindi naman dayuhan ang kanilang mga magulang. Paano nga ba ito nangyari?
Sa programang "Brigada," lumitaw na magkaiba ang kulay ng mga mata nina AJ at Daisy Louie na isang dark brown at isang asul.
Pero bunso nilang kapatid na si Noah, parehong asul ang mga mata.
Ang kanilang ina na si Elizabeth, hindi rin malaman kung bakit kulay asul ang mata ng mga anak na normal naman daw ang mga paningin.
Mayroon pang isang anak si Elizabeth na parehong dark brown naman ang mga mata.
Ayon sa pag-aaral, walo hanggang 10 porsiyento lang ng populasyon sa mundo ang may asul na mga mata kaya natatangi kung tutuusin ang magkakapatid.
Gayunman, hindi maiwasan na mapagdiskitahan ng ilang bata ang magkakapatid. Tulad ni AJ na minsan na raw sinaktan ng ilang kabataan dahil nais daw na gawing parehong itim ang kaniyang mga mata.
Pero bakit nga ba kakaiba ang kulay ng mga mata ng magkakapatid? Alamin paliwanag ng eksperto sa video na ito ng "Brigada." Panoorin.
--FRJ, GMA News