Fit at toned ngayon si Pauleen Luna-Sotto matapos siyang makapagbawas ng 20 pounds habang inaabot ang kaniyang weight goal.

"No filter. Just love and care for my body. Slowly reaching my weight goal," caption ni Pauleen sa Instagram kung saan makikita ang sexy niya na pangangatawan.

 

 

Para kay Pauleen, mahalaga rin na ine-enjoy niya ang kaniyang exercise routine sa kaniyang fitness journey.

"Slowly but surely and most importantly, happily. #20lbsdown."

Sa isang video post, ipinakita ng aktres ang kaniyang stationary bike exercise.

 

 

--FRJ, GMA News