Matapos ang anim na araw na paghahanap, natagpuan na sa wakas ang dalawang-taong-gulang na si Tristan sa gubat sa Sampaloc, Quezon. Ang ipinagtataka ng rescue team, ilang beses na nilang nadaan ang lugar kung saan nila nakita ang bata pero wala doon ang bata.
Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang walang makapansin kay Kristan at bigla na lang nawala matapos magsimba kasama ang ilang kaanak.
Isang residente sa palayan ang nagsabing may nadinig siyang iyak ng bata sa kawayanan sa gubat. Kaya naman nagtulong-tulong ang mga barangay, kapitbahay at mga awtoridad sa pagsuyod sa gubat kung saan pinaniniwalang naroroon ang bata.
Nang lumipas na ang ilan pang araw na hindi nakikita ang bata, ilang civic rescue group na rin ang sumama para hanapin si Tristan.
Nagtataka ang kaniyang ina kung papaano makararating sa gubat ang anak gayung mahina pa itong maglakad.
Sa ika-anim na araw na halos nawawalan na ng pag-asa ang marami, nakita si Tristan malapit na kawayanan at nakahiga at nanghihina pero may malay.
Kaya naman laking tuwa ng lahat nang madinig ang balita na maayos ang kalagayan ng bata na kaagad dinala sa ospital kung masuri ang kalusugan.
Ang labis na ipinagtataka ng mga naghanap kay Tristan, ilang beses nilang nadaanan ang lugar kung saan nila nagtapuan ang bata wala ang bata doon.
Bukod doon, palaisipan din kung paano nakatagal ang bata sa gubat na walang pagkain at tubig sa loob ng anim na araw.
Mayroon nga bang kababalaghan sa naturang pangyayari at totoo kaya ang paniwala ng iba na lamang-lupa o duwende umano ang nagdala kay Tristan sa kagubatan? Tunghayan ang buong kuwento sa video na ito ng "KMJS."
--FRJ, GMA News