Sa panahon ngayon na sinasabing moderno na, wala nga bang masama kung ang babae ang gagawa ng "first move" upang mapansin ng lalaki? Alamin ang komento rito ni Julia Barretto.
“I feel like it doesn’t matter who expresses first. I think it’s okay when a girl lets you know how she feels, whether it’s reciprocated or not," saad ni Julia sa YouTube vlog ng kaibigang si Marco Gumabao na ipinost nitong March 27.
Dagdag niya, "But definitely, I believe that guys should be the one pursuing. At the same time, I don’t mind if a girl makes the first move.”
Nang tanungin ni Marco ang 24-anyos na aktres kung batay ba sa personal experience ang kaniyang komento, ibinahagi ni Julia ang sinabi ng isang pastor na tumatak daw sa kaniyang isipan.
"Personally, ang sinasabi ko lang, walang problema kung yung babae, let's say ang unang mag-express ng feelings, di ba? Whether or not reciprocated," paglilinaw niya.
"There was this one service [ng isang pastor], 'It's okay. If the girl tells you she loves you first, so what?' Like, it doesn't matter and I think that stuck with me, and it made me realize a lot of things," dagdag niya.
"So 'yun. Well ako ok lang," dugtong ni Julia.
Sa naturang vlog, pinag-usapan nina Julia at Marco ang mga paksa na kadalasang magkaiba ang pananaw ng lalaki at babae.
Nilinaw din nila na ang kanilang pahayag ay personal nilang pananaw at hindi nangangahulugan na para sa pangkalahatan.
"We have to make it clear na I don't speak for all the women. This is gonna be my personal opinion... Ayaw ko naman sabihin ng iba na: 'Hindi naman 'yung take ko eh," ayon kay Julia.
Mainit na pinag-usapan si Julia nitong mga nakaraang linggo matapos ang pag-amin nila ni Gerald Anderson sa kanilang relasyon.— FRJ, GMA News