Isang magandang pasyalan na dating nakatago ang puwedeng puntahan sa isang bayan sa Bulacan. Itinuturing itong "Little El Nido" dahil sa malinaw na tubig at kuwebang may "secret spring."
Nasa isa't kalahating oras ang biyahe mula sa Maynila bago marating ang bayan ng Norzagaray kung saan makikita ang kanilang "Little El Nido" na pinagpala sa ganda ng kalikasan.
Pero bago marating ang pasyalan mismo, kailangan pa ang nasa 30 hanggang 40 minutong lakaran. Kung ayaw namang maglakad, may maliit na trak na puwedeng sakyan na puwedeng bayaran ng P100 kada tao.
Hindi naman sayang ang pagod kahit maglakad nang malayo dahil sa sandaling makita na ang lugar lalo na ang secret spring ng Banahaw cave, tiyak na sulit ang pagtagaktak ng pawis. Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News