Inihayag ni Pauleen Luna na mayroon siyang polycystic ovary syndrome (PCOS) at hindi raw biro ang pagkakaroon nito.
Sa caption ng kaniyang video post sa Instagram, sinabi ni Pauleen na, "Little over a month into my fitness journey and I'm starting to feel strength coming back! I've accepted that it's a slow progress but slow is better than none."
"Living with PCOS is no joke," pahabol pa niya.
Ayon sa maybahay ni Bossing Vic Sotto, prayoridad niya ang mag-ehersisyo at tamang pagkain.
"So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me," dagdag niya.
Ayon kay OB-GYN Dr. Raul Quillamor, ang PCOS ay hormonal imbalance na nagdudulot ng blood spotting. (ALAMIN: Babaeng may PCOS, hindi na nga ba magkakaanak?)
Bukod kay Pauleen, ang ibang celebrity na nagpahayag tungkol sa pagkakaroon nila ng PCOS ay sina KC Concepcion at GMA reporter Darlene Cay. — FRJ, GMA News