Kapag nakikipagtalo, huwag nang gamitin ang linyang "kapag pumuti ang uwak" dahil baka mapasubo ka. Pero bukod sa puting uwak, alamin ang iba pang abnormalidad na maaaring mangyari sa mga hayop.
Sa programang "AHA!," sinabing makikita sa isang zoo sa Rizal ang buwayang kulay dilaw ang balat, may panther na kulay itim, at may tigre na kulay puti.
Mayroon din kalabaw na naging instant celebrity dahil puti ang kaniyang kulay kahit pa itim ang kaniyang ina. At sa Africa, mayroong giraffe na isinilang na pandak.
Paano nga ba ito nangyayari at ano ang tiyansa nilang mabuhay nang matagal? Panoorin ang video ng AHA! ni Drew Arellano.
--FRJ, GMA News