Ilang kung fu master sa Juntun, China ang nagsisikap na mapanatiling buhay ang kakaibang martial arts techique na literal na susubok sa tibay ng kalalakihan--ang “iron crotch" kung fu.
Sa naturang uri ng kung fu, isang malaking kahoy na may balot ng bakal sa dulo ang ibubunggo sa masaleng bahagi ng katawan ng lalaki.
Sa ulat ng Reuters, sinabi ng 65-anyos na kung fu master na si Wang Liutai, na magiging maganda ang pakiramdam ng lalaki kapag nagawa nito ang pagsasanay.
“When you practice iron crotch kung fu, as long as you push yourself, you will feel great afterwards,” sabi ni Wang, pinuno ng Juntun Martial Arts Academy, na halos kalahating siglo nang ginagawa ng barangay ang teknik.
Ipinaliwanag din ni Wang na hindi naman maaapektuhan ang kakayanan ng lalaki na magkaanak kung tama ang pagsasanay na gagawin.
“Please don’t worry about this. We have done a lot of training. Now we have over a 1400 people in our village. If practicing this damaged this part of the body permanently, then over time no one would do it," paliwanag ni Wang na may dalawang anak.
Wang Liutai is no ordinary kung fu master. The 65-year-old practices a unique and excruciating-looking type of martial arts known as ‘iron crotch’ kung fu https://t.co/EtO7HFMRQW pic.twitter.com/7MWTg4xqhN
— Reuters (@Reuters) December 10, 2020
"With this, the more you practice, the stronger you become. Without such practice, who would dare practice iron crotch kung fu? It takes practice. The method we use is; internally we practice breathing, externally we practice muscles and bones,” patuloy niya.
Ang pagbunggo umano ng troso sa maselang bahagi ng katawan ay isa lang daw sa kailangang pagsanayan.
Ang "iron crotch' kung fu ay isa lang umano sa mga bahagi ng tinatawag na "Tongbeiquan," na kailangan ding sanayan at palakasin ang iba pang bahagi ng katawan na itinuturing "weakest point" tulad ng lalamunan, sikmura at likod.
Kung makakayanan na ng isang nagsasanay ang hataw ng troso sa maselang bahagi ng katawan, sinasabing kaya rin niyang tanggapin ang hataw sa iba pang bahagi ng katawan.
Ginawang halimbawa ng isa pang kung fu master na si Tang Xiaocheng ang mata, ilong, lalamunan at iba pa.
"This is very helpful for improving one’s physical condition. Iron crotch is only one element of what we practice. We also have iron throat, iron head, iron chest, and iron back as well. After completing all the necessary training and study, you can reap the physical rewards. So what we practice is not just iron crotch,” paliwanag niya.
Sinasabing 300 taon na raw ginagawa sa Juntun ang Tongbeiquan pero kakaunti na lang ito ngayon. Nangangamba ang mga kung fu master na baka tuluyan na itong makalimutan.
Ayon kay Tang, dati ay mayroon pang 200 katao na regular na nagsasanay ng Tongbeiquan pero ngayon ay mahigit 20 na lang.
Ang gumagawa ng iron crotch, dating may 80 katao pero ngayon ay lima na lang.
Sa tulong ng social media, nagkakaroon na raw sila ng karagdagang estudyante.--Reuters/FRJ, GMA News