Pinuntahan ni Doc Ferds Recio ng "Born To Be Wild" ang isang bahay sa Angono, Rizal para alamin ang kuwento ng isang babae na namaga ang mga kamay at likod matapos pagkakagatin ng insekto na kung tawagin ay "Kissing Bug."
Ayon kay Joy, namaga ang parte ng katawan niya na kinagat ng insekto. Mainit din umano ang pakiramdam nito at makati.
Hinihinala niyang nanggagaling sa kanilang puno ang naturang mga insekto at nakapasok sa kanilang bahay.
Ganito rin ang nangyari kay R-Jay, na nakikita naman ang kissing bug sa kanilang bigasan at sa loob ng bahay.
Sa gabi daw kung umatake ang insekto para sipsipin ang dugo ng kaniyang biktima.
Ayon kay Doc. Ferds, delikado ang kagat ng kissing bug sa mga may allergy sa naturang insekto.
Ano nga ba ang kissing bug at bakit ito ang itinawag sa kaniya? Panoorin ang video na ito ng "Born To Be Wild."
--FRJ, GMA News