Ikinabigla ng isang pamilya sa Florida, USA nang mag-uwi ang kanilang pusa ng isang ahas na dalawa ang ulo.
Sa video ni Kay Rogers, na mapapanood din sa GMA NewsFeed, makikita na ordinaryo lamang sa unang tingin ang ahas.
Pero nang muli itong suriin ng may-ari, doon na niya napansin na dalawa pala ang ulo ng ahas.
Paliwanag ng mga siyentipiko, ang ahas na natagpuan ay isang uri ng southern black racer.
Wala raw itong kamandag at madalas nakikita sa southeastern United States.
Dahil sa kondisyon ng ahas, inalagaan at pinangalanan ito nina Rogers bilang si "Dos,"at ginawan pa nila ng terrarium.
Pinakain nila ito ng mga insekto, butiki at maliliit na palaka.
Pero dahil sa dadalawang ulo nito, hamon pa rin ang pagpapakain sa ahas.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News