Sa pagtatayo ng negosyo, mahalaga rin na magkaroon ng mga kasosyo para hindi gaanong bumigat ang gawain ng isang nagsisimula pa lamang. Anu-ano nga ba ang mga dapat tandaan ng mga entrepreneur kapag meron silang mga business partner? Alamin.
Sa digital program na "Pera Paraan," ipinaliwanag ng business consultant at strategist na si Cyrus Cruz, na dapat maging handa ang mga entrepreneur sa mga posibleng hindi pagkakaunawaan ng magkasosyo.
Mahalaga rin na alamin ang mga ambag ng isa't isa, mapa-skills man, pera o oras.
"Valuate it then du'n niya makikita 'yung valuation like equal partnerships ba kayo? Tig-33% ba kayo? Or someone is bigger than the other two. Mas majority ba siya kasi siya 'yung nandiyan 24 hours a day?" sabi ni Cruz.
Importante rin daw na magkaroon ng kasulatan.
"Para it gives you that, 'Uy! Totoo ito! Business talaga ito!' Kasi you'll never know. What if five years down the road nag-boom 'yung business niyo, may gustong bumili na isang malaking company?" ayon kay Cruz.
Panghuli, kailangang mahiwalay ang negosyo at personal na relationship. Panoorin sa video ang buong talakayan. --FRJ, GMA News