Nagdadaos na rin ng drive-in mass sa isang parking lot sa Chia, Colombia para sa mga taong hindi makadalo sa tradisyonal na misa sa loob mismo ng simbahan.

Sa ulat ng Reuters, makikita ang mga sasakyan na magkakalayo habang dumadalo sa misa ni Father Luis Carlos Ayala.

Nananatili naman sa loob ng kani-kanilang sasakyan ang mga tao, na ang iba ay kasama pa ang buong pamilya.

 

 

"Drive-in mass is a coming together. It is a very telling moment for us, to see people in their vehicles is something wonderful, to feel that people are there because they want to experience the Eucharist, starting with this place," ayon kay Fr. Ayala.

Nagmamaneho naman papunta kay Fr. Ayala ang mga tao kapag tatanggapin na ang Eukaristiya.--Reuters/FRJ, GMA News