Para makahikayat ng marami pang bisita, dinisenyuhan ng isang lungsod sa Japan ang kanilang mga manhole na nilagyan ng makukulay at nag-iilaw na anime characters.
Inaasahan ng siyudad ng Tokorozawa na kaaliwan din ng mga tao ang kanilang pakulo gaya ng pagtangkilik sa mga pinintahan na manhole cover sa ilang kalye sa Japan, ayon sa ulat ng Agence France Presse.
A hole new world.
— AFP news agency (@AFP) August 21, 2020
The humble manhole cover might not seem like much of a blank canvas, but one Japanese city is reimagining the possibilities with illuminated versions featuring anime charactershttps://t.co/AEXTZxysch
???? Philip Fong pic.twitter.com/Z1jCEXh6Dn
"They're Japan's first illuminated manhole covers," sabi ng city official na si Junichi Koike.
Hindi na bago sa Japan ang pagkakaroon ng mga manhole cover na may disenyo. Ang iba ay meron na ring nakapintang mascot ng siyudad.
Halos apat na dekada nang dinidisenyuhan ng mga lungsod sa Japan ang mga manhole, na may layong pagandahin ang hitsura ng kanilang mga kanal.
Nagkaroon na ng mga tao na nawiwili sa mga manhole na may disenyo, kung saan pinag-uusapan nila sa social media ang mga paborito nilang bersyon ng manhole.
VIDEO: Japan city lights up sewer covers.
— AFP news agency (@AFP) August 21, 2020
The humble manhole cover might not seem like much of a blank canvas, but one Japanese city is reimagining the possibilities with illuminated versions featuring anime characters pic.twitter.com/WLij9FRNDE
"'Manholers' enjoy discovering different kinds of manhole covers," sabi ni Koike. "We hope the new illuminated ones will further improve the dirty and smelly image of manholes and also revitalise the local economy by bringing in visitors."
Nitong Agosto 1, 28 na makukulay na manhole cover ang ikinabit sa lungsod na tampok ang mga anime character tulad ng Gundam robot at sa "Neon Genesis Evangelion" sci-fi animation series at "The Melancholy of Haruhi Suzumiya" TV series.
Nag-iilaw ang mga manhole mula 6:00 pm hanggang 2:00 am gamit ang solar power, at pinagliliwanag ang mga daanan patungo mula sa train station ng Tokorozawa hanggang sa bagong cultural complex na tampok ang isang anime museum.
Ang pagdisenyo sa mga manhole ay bahagi ng proyekto para kumita rin ang lungsod, kung saan pinapayagan nila ang mga pribadong kumpanya tulad ng major media group na Kadokawa, na gamitin ito sa advertising.
Bagama't makakatulong ang mga karagdagang ilaw para mapigil ang krimen, lumalawak naman ang responsibilidad ng mga security guard sakali mang may magnakaw o sumira sa mga ito.
Nakatanggap naman ng magagandang pagpuna ang mga cover mula sa mga enthusiast at lokal na residente.
Hindi inihayag ang kung magkano ang mga manhole na may ilaw, pero binabayaran daw ito ng sponsor at mananatili hangga't binabayaran ang mga ito ng kompanya.--AFP/Jamil Santos/FRJ, GMA News