Nasagip sa posibleng pag-atake ng isang pating  ang isang batang lalaki na nagtatampisaw sa beach sa Florida.

Nakasaad sa caption ng video na makikita sa Facebook ng Cocoa Beach Police & Fire, sinabing nasagip ang bata dahil sa mabilis na aksyon ni Police Officer Adrian Kosicki, na naka-off-duty nang sandaling iyon.

Sa video, makikita ang pating na lumalangoy sa baybayan, habang nagtatampisaw naman sa dagat ang batang lalaki na nasa boogie board.

Nagkataon na naglalakad umano si Kosicki sa beach kasama ang kaniyang asawa nang mapansin na ng mga tao ang pating na papunta sa kinaroroonan ng bata.


Mabilis na lumusong sa tubig si Kosicki at hinatak ang bata paalis sa tubig ilang segudo lang ang pagitan sa pagsadating ng pating.

"Adrian [Kosicki] made the decision to quickly enter the water and pull the boy from the surf as the shark began to get dangerously close, within only a couple of feet at its nearest distance," ayon sa post.

"We’re certainly not marine biologists, educated and trained to differentiate between the various species of sharks, their respective feeding habits, and aggressiveness near swimmers. We just do what we do best—protect the public from harm," nakasaad pa sa caption. --FRJ, GMA News