Dahil sa dami ngayon ng nagbebenta ng milktea online, umisip ng paraan ang isang seafarer kung papaano mapapansin sa merkado ang kaniyang produkto. Ang ginawa niya, pinangalanan niya itong QuaranTea at markado rin ang mga flavor tulad ng "ayuda," "lockdown," at "Harry Roque."
Sa panayam sa kaniya ng Dobol B sa News TV, ikinuwento ni Cathy Bajaro, na dating nagtatrabaho sa cruise ship, na sinubukan niyang mag-apply sa mga BPO dalawang buwan, pagkauwi niya.
Pero hindi niya na ito itinuloy dahil naninirahan siya kasama ang mga magulang na parehong PWD at may siyam na buwang gulang na sanggol din siya na mas prone sa virus.
Kaya naisipan niya na magtayo na lang ng sariling milk tea business at pinangalanan niya itong "QuaranTea."
Kakaiba rin ang mga pangalan ng flavor ng mga ibinibentang milk tea ni Bajaro tulad ng "ayuda," "lockdown," "mass testing," "frontliner" at "Harry Roque."
Kaya naman daw pati mga opisyal ng kanilang lokal na pamahalaan ay nagpapa-deliver na rin sa kaniyang milk tea business.
Bukod dito, nabigyan din niya ng trabaho ang mga tricycle driver sa kanilang lugar sa San Pedro, Laguna dahil sila ang ginawa niyang tagahatid o taga-deliver ng mga order.
"This pandemic po kasi, ang kailangan na lang po natin is magtulungan para po maka-survive tayo dito sa sitwasyon na ito," sabi ni Bajaro.
LIVE sa DZBB: Cathy Bajaro, seafarer na ngayo'y nagnenegosyo na ng milk tea matapos maapektuhan ng pandemya.
— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 7, 2020
????: @dzbb 594 kHz
????: #DobolBSaNewsTV
????: https://t.co/Q2O7p05pWH
????: https://t.co/qztLnMNJJy pic.twitter.com/DTjxaX7qfl
--FRJ, GMA News