Matapos ibahagi ni "Pinoy MD" resident doctor Oyie Balburias ang kahalagahan ng Vitamin D bilang panlaban sa mga virus, inihayag naman niya ang ilang palatandaan na puwedeng maramdaman ng isang tao kung siya kulang sa nasabing bitamina.
WATCH: Vitamin D, paano nga ba nagiging panlaban sa cancer cells?
Ayon kay Balburia, isa sa mga palatandaan ng kakulangan ng Vitamin D ng isang tao ay ang delayed o poor wound healing o paggaling ng sugat.
Kasama rin ang muscle pain at pananakit ng joints at buto sa mga indikasyon ng kakulangan ng Vitamin D, na maaaring makuha sa sinag ng araw. Panoorin ang video para sa buong pagtalakay sa isyung ito.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News