Sa programang "I Juander," mapapanood ang ilang video ni Vilem Krmela ng Czech Republic na naghuhugas ng pinggan at pagtatanim sa probinsya.
Bata pa lang daw, hilig na talaga ni Vilem ang nature.
"I spent all my time playing outside with my friends and with my two younger brothers. We were always fishing, camping, climbing the trees, really enjoying the time in nature all the time. That's why I really love nature so much," sabi ni Vilem.
Dahil nakahiligan niya ang outdoors, nagpasya si Vilem na iwan na ang trabaho bilang accountant. Taong 2013 nang simulan niya ang kaniyang adventure at isa sa kaniyang travel goals ang mabisita ang South East Asia dahil sa magagandang tanawin at klima.
"Once I arrived to Southeast Asia, I fell in love with the climate and with the tropical fruits. And I was really so happy. So happy that I can finally be outside all the time, all year round," sabi ni Vilem.
Hanggang sa marami ang nagrekomenda sa kaniya na puntahan din ang Pilipinas. Kaya naghanap si Vilem ng personal tour guide online para maglibot ang bansa.
Tiyempo namang online rin ang Pinay na si Nezel Joy sa isang website, at doon na nagsimulang magka-chat ang dalawa.
"Nasa Thailand siya noon. At sabi niya, he wants to really visit Philippines. Pero wala nga siyang kaalam-alam. So that's why he was looking for a personal tour guide. So nagkataon, nu'ng pagkagawa ko ng account, available din siya. So, ayun nga. And nagbabalak nga siyang bumisita ng Pilipinas. Pero hindi ko inaakala na after few days, andito na siya sa Pilipinas," kuwento ni Nezel.
Matapos ang simpleng pag-chat ng dalawa, nagdesisyon na silang mag-meet up.
"Sabi ko sa kaniya, gusto mo, punta ka na lang sa bahay. Tapos sabi niya, sige para mas lalo nga raw mapag-usapan yung pag-tour guide namin," ani Nezel.
Pero ang pagbisita ni Vilem sa bahay ni Nezel para sa trabaho lang noong una bilang tour guide, nasundan pa, hanggang sa halos araw-araw na. Makalipas ang siyam na buwan, naisipan na ng dalawa na magpakasal.
"We spent five months together, traveling around the Philippines. And then we spent four months in a long distance relationship when I was in Australia. And then, I proposed and we just got married after three weeks," sabi ni Vilem.
"Hindi na niya ako pinakawalan, hindi ko na rin siya pinakawalan," sabi ni Nezel tungkol sa dayuhan niyang asawa.
Hirit naman ni Vilem, "Because I felt in my heart that you are the right person which I want to spend the rest of my life."
Pero hindi lang si Nezel ang nagustuhan ni Vilem kung hindi maging ang kultura ng mga Pilipino.
"That's the main reason for me to be here. Because especially here in the province, I saw many times, experienced the bayanihan. And it's so amazing to me," sabi ni Vilem na isa na ngayong Pusong Pinoy. -- FRJ, GMA Integrated News