Nagsimula lamang sa puhunang P100, kumikita na ngayon ng P60,000 kada buwan ang isang home-based na negosyong suman na may anim na flavor sa Malabon City.
Sa “This is Eat” segment ng Unang Hirit, itinampok ang Delia's Suman, Kakanin Atbp ni Delia Enriquez.
Tila hindi na kailangang ternohan pa ang kanilang mga produktong suman, dahil may anim na flavor na ito na malagkit, kamoteng kahoy, pinipig, chocolate moron, ube at suman halo-halo.
Taong 2005 nang simulan nila ang kanilang negosyo.
Ngayon, nakagagawa na ng 2,000 na suman kada araw ang negosyo ni Enriquez.
Bukod dito, marami pa silang natutulungang mga nanay at estudyante na para magkaaroon ng hanapbuhay.
Papaano nga ba ginagawa ni Enriquez ang kanilang mga panindang suman? Panoorin ang video na ito ng Unang Hirit. --FRJ, GMA Integrated News