Masarap mang kainin bilang handa sa Kapaskuhan ang ham, maaari naman itong magdulot ng hypertension o heart diseases kung masosobrahan. Kaya naman may nauuso na rin na pamalit sa ham at masustansiya pa--ang vegan ham.
Ang hamon ay mayaman sa protina na mahalaga sa balat, buto, at muscle," ayon kay Audee Sunga, isang registered dietician.
Bukod pa sa B vitamins, B6 at B12 na makikita sa mga karne na mahalaga sa metabolism.
Pero hinay-hinay na lang dahil kapag nasobrahan sa pagkain nito ay maaaring magdulot ng hypertension o heart diseases.
Ayon kay Sunga, isang slice lang ng ham ang inirerekomenda niya sa mga babae at dalawang slices naman sa kalalakihan.
Pero para maiwasan ang mga sakit kapag kumain ng hamon, nauuso na rin ang vegas version nito.
"Traditionally kasi, people like hams sa Christmas. Yung vegans and vegetarians they feel left out sometimes na parang hindi sila nakapaghahanda ng kanilang ham. Doon nag-start 'yung concept na 'yun for the vegans to also celebrate Christmas with ham," sabi ni Janer Lema, tatlong taon nang gumagawa ng vegan ham.
Bukod sa plant-based at walang taba, meron ding fiber ang vegan ham na mainam sa cleansing, pati na rin soy.
Alaminsa video ng "Pinoy MD" kung papaano ang paggawa ng vegan ham, pati na rin ng fresh salad na maaaring i-partner dito. Panoorin.
--FRJ, GMA News