Pinuntahan ni Doc Nielsen Donato ng "Born To Be Wild" ang isang ilog sa Baggao, Cagayan, upang magsagawa ng dokyumentaryo tungkol sa itinuturing "guardians of the river'-- ang marbled freshwater eels, o 'igat.'
Namangha si Doc Nielsen sa ganda ng lugar at sa linis ng tubig sa ilog na may bahagi na idineklarang sanctuary para sa naturang uri ng igat.
Mala-ahas ang hitsura ng igat at madulas ang kanilang balat bilang proteksiyon sa kanilang sarili.
Mga maliliit na nilalang sa ilog na pangunahing pagkain ng igat tulad ng mga alimasag at mga hipon.
Sa isang pagkakataon, nahuli-cam ang paghabol ng igat para almusalin sana ang isang maligsing alimasag sa ilalim ng tubig.
Ngunit bakit nga ba itinuturing tagapagbantay ng ilog ang naturang igat at ano ang kahalagahan nito sa ecosystem ng lugar?
Tunghayan ang episode na ito ng "BTBW" at alamin ang mundo ng marbled freshwater eels, at kilalanin ang mga nagpopotekta sa kanila. Panoorin.
--FRJ, GMA News