(PAALALA: MASELAN ANG PAKSA)
Dahil sa pandemya, nakita ng ilang sex worker ang social media bilang oportunidad para may pagkakitaan. Dito, gumagamit sila ng "alter account" para maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan.
Sa special report ni John Consulta na "Sex Work Online" sa "Brigada," sinabing halo-halong sexual content ang makikita sa mundo ng mga alternative account sa isang social media app.
Inilahad ni "Oskie," hindi niya tunay na pangalan, na ina-upload niya sa isang gay app ang kaniyang serbisyo na may kakaibang "happy ending." Dahil dito, madali nang malalaman ng mga tao ang klase ng kaniyang serbisyo.
"Tinatali 'yung kamay, 'yung paa. And then tini-tease mo sila na, parang nagiging slave mo sila. 'Yun 'yung BDSM na sistema. Pero I just do light, the others doing like tinatali 'yung katawan," paglalahad ni Oskie.
"I also use sex toys na I purchase online. You become creative eh 'pag nandoon na ang toys na 'yon," dagdag ng sex worker.
Meron ngayong 94.2K followers si Oskie sa kaniyang alter account.Plano raw ni Oskie na makapag-set up ng isang training center para sa sex workers, at makapag-franchise.
Isa pa ring criminal act na prostitusyon ang hanap-buhay ni Oskie sa ilalim ng batas, partikular sa Republic Act 10158, at maaari silang makulong ng anim na buwan hanggang isang taon o magmulta ng P2,000.
Gayunman, may ilang sex worker groups umano ang nagsusulong na gawing lehitimong industriya ang naturang gawain.
Panoorin ang buong talakayan sa video na ito ng "Brigada."
--FRJ, GMA News