Isang taon na mula nang dumating ang COVID-19 pandemic at patuloy pa rin itong nagpapahirap sa marami at nagdudulot ng matinding pag-aalala. Ano nga ba ang mga paraan upang mabawasan ang labis na kalungkutan na maaaring humantong sa depresyon?
Sa programang "Unang Hirit," ibinahagi ng psychiatrist na si Dra. Bernadette Arcenas ang ilang coping technique upang mapaglaban ang kalungkutan.
Sinubukan din ng "UH" Barkada ang ilang activities tulad ng memory game na makatutulong din upang mabawasan ang tinatawag na pandemic anxiety. Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News