Nanggaling sa mga salitang "kain" at "kanin," hindi mawawala sa handaan ng mga Pinoy ang mga kakanin, lalo na ngayong Bagong Taon dahil simbulo raw ito ng pagkakaisa ng pamilya. Pero paano nga ba ginagawa ang mga ito, tulad ng sapin-sapin na may iba't ibang kulay?
Sa GMA News "Unang Hirit," itinampok ang isang negosyo sa Makati City na kayang maghanda ng 17 iba't ibang uri ng kakanin, at ipinakita pa nila kung paano ang paggawa ng sapin-sapin mula sa giniling na bigas o galapong. Panoorin.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News