May mga eksenang napapanood sa pelikula na binabasag ang salamin ng sasakyan na nakalubog sa tubig at may tao sa loob. Pero sabi ng isang eksperto, may iba pang paraan na puwedeng gawin kapag nasangkot sa ganitong peligro.
Tunghayan ang video na ito ng "Alisto" ang alamin ang mga sinasabing epektibong paraan upang makaligtas mula sa pagkakakulong sa loob ng isang sasakyan na nanganganib na lumobog sa tubig tulad ng mataas na baha.
Ilang segundo nga ba bago tuluyang lumubog sa tubig ang sasakyan, at saan parte ng bintana ang madaling mabasag? May tips din kung anong gamit sa loob ng sasakyan ang maaaring gamitin na pambasag sa bintana. Panoorin.
--FRJ, GMA News