Maraming pamahiin ang mga Pinoy pagdating sa patay. Isa na rito ang pagbabawal na magsuot ng pulang kasuotan kapag may patay. Pero ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga tao sa isinagawang social experiment noon ng programang "iJuander" na pawang nakadamit na kulay pula ang kunwaring mga makikipaglibing.
Tunghayan ang video na ito ng "iJuander" ang balikan ang mga paniniwala o pamahiin tungkol sa patay, at bakit nga ba naniniwala rito ang maraming Pinoy.
Alamin din ang pananaw ng mga eksperto tungkol sa iba't ibang pamahain na ito, bakit nga ba bawal ang pulang kasuotan kapag may patay? Panoorin.
--FRJ, GMA News