Dahil sa kakapusan sa pinansiyal, sa mga bunga ng suha umaasa si Shiela upang matustusan ang gamot ng kaniyang ina na pinapahirapan ng Parkinson’s disease. Ang mga suha, mula sa mga puno na itinamin noon ng kaniyang ina sa kanilang bakuran ibina-barter para sa gamot.
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ni Shiela na limang taon nang paralisado ang kaniyang 62-anyos na inang si Nenita, na ang naging higaan ay isang sofa na gawa sa kawayan ng kanilang bahay sa Bacolod City.
Halos hindi na makagalaw si nanay Nenita dahil nanigas na ang kanilang higit at binti, at bumaliktod na rin ang kaniyang likod.
Dahil sa kakapusan ng pera, hindi maipasuri ni Shiela sa duktor ang kaniyang ina.
Kailangan daw niyang unahin na may makakain ang kaniyang ina upang hindi manginig ang katawan.
At kapag naubos na ang gamot ng ina, maghahanap na siya ng hilog na bunga ng suha para i-barter online na ang kapalit ay gamot.
“Ma, sorry na abot sa ganito ‘yung sitwasyon kasi hindi ko mabigay ‘yung mga pangangailangan niya. Hindi ko masuklian iyong binigay niya na mabuting buhay. Mahal na mahal ko siya,” umiiyak na sabi ni Shiela.
Hirap man magsalita, inihayag ni nanay Nenita ang labis na pagmamahal sa mapagkalinga niyang anak.
"Mahal na mahal kita, anak," saad niya.
Tunghayan ang nakaantig na kuwento ni nanay Nenita at Shiela sa video na ito ng "KMJS."
--FRJ, GMA News