Ipinaliwanag ni Dr. Oyie Balburias, resident doctor ng programang "Pinoy MD," na hindi lang basta nagpapakalakas ng immune system ang vitamin D na puwedeng makuha sa sinag ng araw. Dahil ang Vitamin D, mabisang paraan din daw para mapababa ang risk na magkaroon ng cancer.
Paliwanag ni Balburias, kung malakas ang immune system at sapat ang vitamin D, hindi makakaporma sa katawan ang cancer cell.
Sa babae, 50 porsiyento umanong mapapababa ang peligro nito na magkaroon ng breast cancer kung malakas ang immune system at nasa 50 to 80 nanograms per ml ng Vitamin D sa katawan.
Panoorin ang buong pagtalakay niya sa usapin. --Jamil Santos/FRJ, GMA News