Dahil sa pangamba ng hawahan sa COVID-19, nagpasya ang lokal na pamahalaan ng Marawi City na isinara na muna ang mga masjid o mosque ngayong Ramadan. Hindi naman ito naging hadlang upang maisagawa ng mga tao sa lungsod ang kanilang taunang tradisyon at pananampalataya.
Sa ulat ni Asmarie Labao ng "Stand for Truth," sinabing isinara ang mga masjid dahil ipinagbabawal sa ngayon ang pagsasama ng mga tao upang maiwasan pagkalat ng virus.
"Ang Darul Ifta ay pansamantala muna pinasuspende ang tarawe (simbang gabi) sa masjed. Magsimba muna sa bahay," ayon kay Abuhuraira Udasan, Mufti-BARMM executive director.
Pero hindi hadlang ang kawalan ng masjid para maipagpatuloy ng mga tao ang kanilang taunang sakripisyo at pagdarasan ngayong Ramadan.
Habang may ibang nalulungkot na hindi sila makapagdasal sa masjid, may iba naman na nakita ang magandang pagkakataon upang lalong mapalakas ang pananampalataya ng kanilang pamilya. Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News