Sa kabila ng krisis na dulot ng COVID-19, nananatili pa rin ang mga pang-aabuso sa kababaihan at mga bata maski sa mga tahanan. Saan nga ba dapat dumulog kapag nakararanas ng domestic violence?
Sa programang "Sumbungan ng Bayan," ipinaliwanag ni Mirriam Navarro, Social Welfare Specialist for Women and Gender and Development - DSWS, na mayroong "Violence against woman and children" (VAWC) desk ang mga barangay na maaari nilang lapitan.
Maaaring lumapit dito ang mga nakararanas ng mga pang-aabusong pisikal, sekswal, emosyonal, o sikolohikal. -Jamil Santos/MDM, GMA News