Sa programang "Born to Be Wild," binalikan nina nina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato ang mga hindi nila malilimutang kaso ng mga hayop na kanilang hinawakan. Kabilang dito ang isang buwaya na kailangang putulan ng mga paa, at ang ahas na inoperahan dahil sa nakitang bukol na natuklasang tama pala ng bala.
Inalala ni Doc Ferds ang ginawa niyang operasyon sa buwayang si Gapang, na nabulok at nagkasugat ang mga paa dahil sa itinaling goma. Sinabi niyang kailangan daw tanggalin ang mga "patay" nang paa ni Gapang.
Naging palaisipan naman noon ang mga bukol sa katawan ng isang ahas sa Cebu, pero natuklasang tama pala ng mga bala nang isailalim ang hayop sa x-ray.
Dahil dito, kinailangan ding operahan ang ahas para maalis ang mga bala.
Tinulungan naman ni Doc Nielsen ang isang bayawak na nakagat ng aso at malala na ang kondisyon. Nilinis niya ang mga nito na ginawang itlugan ng bangaw at isinailalim sa "force-feeding."
Tunghayan ang ginawang pagsagip sa naturang mga hayop.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News