Sa tuwing may mga burol, mapapansin na kadalasang walang suot na sapatos ang patay sa loob ng kaniyang kabaong. Ano nga ba ang paniniwala ng mga matatanda sa likod ng kaugaliang ito?
Sa programang "Ang Pinaka," binanggit na hindi pinagsusuot ng sapatos ang patay sa kabaong sa paniniwalang dadalhin nito ang bigat o pasanin ng buhay sa kabilang buhay.
WATCH: Alamin 'Ang Pinaka'-sikat na mga pamahiin sa patay
Bukod dito, paniniwala rin ng mga matatanda na mahihirapang maglakbay ang kaluluwa lalo na kapag nakamedyas dahil baka madulas daw ito.
Dagdag pa rito, ikinatatakot din ng mga Pilipino na kapag sinuotan nila ng sapatos ang patay, baka may marinig silang mga yabag o ingay ng naglalakad sa bahay dahil nagpaparamdam ang pumanaw.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News