Sa isang butas o nitso, may dalawa, tatlo o apat na mga bangkay na wala sa ataul ang inililibing na magkakasama. Iba sa kanila, kung hindi salvage victim na nakita sa ilog, napatay naman sa damuhan na ipinalilibing na lang ng punerarya dahil walang kumukuha sa kanilang bangkay.
Dahil walang pagkakakilanlan ang mga bangkay, sa halip na pangalan, "missing" ang inilalagay sa kanilang puntod ng sepulturerong naglibing sa kanila.
Tunghayan ang dokumentaryo tungkol sa mga bangkay na walang pangalan at ang buhay ng sepulturero sa video na ito ng "Front Row."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News