Sa programang "iJuander," sinabing makikita kung gaano kalawak ang kaharian noon ng Tondo kung pagbabasehan ang mga mapa na gawa ng mga Kastila hanggang ika-18 siglo. At ang kinikilalang huling pinuno ng Tondo, ang bayaning si Lakandula na kabilang sa mga lumaban sa mga mananakop.

Bagaman may ibang tawag kay Lakandula o Bunao Dula, ayon sa mga historian, mas nararapat ang pagtawag sa kaniya na Lakas, dahil ito umano ay katumbas ng isang lokal na pinuno na kinilala ng mga Datu mula sa iba't ibang Balangay.

Alamin ang kaniyang naging kontribusyon sa kasaysayan ng Tondo at maging sa ating bansa? Panoorin:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News